
songs
WHAT WE PRAY
FILIPINO
MARIAN SONGS
Awit
sa ina ng
sto. rosario
Minsan ang buhay ay isang awit ng galak
At mayroong liwanag na tatanglaw sa 'ting pagyapak
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha
At s'yang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga
At kahit anong tindi ng unos, at kahit anong tindi ng dilim
May isang inang nagmamatiyag, nagmamahal sa 'tin
Awit n'ya'y pag-ibig ng Diyos, tawag n'ya'y magbalik-loob
Turo n'ya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob
Oh, Inang mahal, narito kami't awit-awit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang nagmamahal
Oh, Inang mahal, narito kami't awit-awit ang Ave Maria
Sa anak Mong si Hesus, puso namin ay ihahandog
Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang nagmamahal
Stella maris
Kung itong aming paglalayag
Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka
Hinirang na tala ng umaga
Kahit alon man ng pangamba
'Di alintana sapagka't naro'n ka
Ni unos ng pighati
At kadiliman ng gabi
Chorus:
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
Tanglawan kami, aming Ina
Sa kalangitan naming pita
Nawa'y maging hantungan
Pinakamimithing kaharian
(Repeat Chorus 2x)
mariang ina ko
Sa 'king paglalakbay
Sa bundok ng buhay
Sa ligaya't lumbay
Maging talang gabay
Chorus:
Mariang ina ko, ako ri'y anak mo
Kay Kristong Kuya ko, akayin mo ako
Kay Kristong Kuya ko, akayin mo ako
Maging aking tulay
Sa langit kong pakay
Sa bingit ng hukay
Tangnan aking kamay
(Repeat Chorus)
Sabihin sa Kanya (sabihin sa Kanya)
Aking dusa't saya
Ibulong sa Kanya
Minamahal ko Siya
(Repeat Chorus)
Ang puso ko'y nagpupuri
Ang puso ko'y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking espiritu
Sa 'king Tagapagligtas
Sapagkat nilingap Niya
Kababaan ng Kanyang alipin
Mapalad ang pangalan ko
Sa lahat ng mga bansa
(Repeat Chorus)
Sapagkat gumawa ang Poon
Ng mga dakilang bagay
Banal sa lupa't langit
Ang pangalan ng Panginoon
(Repeat Chorus)
Luwalhati sa Ama
Sa Anak at sa Espiritu Santo
Kapara noong unang-una
Ngayon at magpakailanman
(Repeat Chorus)